14℃
Beijing

Dalawang pangkat ng bakunang kaloob ng Tsina sa Lebenon, dumating sa Beirut

2021-04-07 11:39:39  CMG
Share with:

Dumating nitong Martes, Abril 6, 2021 sa Beirut, kabisera ng Lebanon ang dalawang pangkat ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng Tsina sa pamahalaan at tropa ng nasabing bansa.
 

Dumalo sa seremonya ng paglilipat sina Wang Kejian, Embahador ng Tsina sa Lebanon; at Hamad Hassan, Caretaker Health Minister ng Lebanon.

Dalawang pangkat ng bakunang kaloob ng Tsina sa Lebenon, dumating sa Beirut_fororder_20210407Lebanon1

Pinasalamatan ni Hassan ang ibinigay na tulong ng panig Tsino pagkaraang sumiklab ang pandemiya at maganap ang insidente ng pagsabog sa Beirut.
 

Aniya, ang kaloob na bakuna ng Tsina ay malaking tulong sa pagbangon ng kabuhayan at pagpapanumbalik ng normal na pampublikong pamumuhay ng kanyang bansa.

Dalawang pangkat ng bakunang kaloob ng Tsina sa Lebenon, dumating sa Beirut_fororder_20210407Lebanon2

Inihayag naman ng embahador na Tsino na sa harap ng pandemiya ng COVID-19, magkahiwalay na ipinagkaloob ng panig Tsino ang tulong na bakuna sa pamahalaan at tropa ng Lebanon, bagay na nagpapakita ng suporta ng Tsina sa paglaban ng bansa sa pandemiya.
 

Ayon sa datos ng Ministri ng Kalusugan ng Lebanon, hanggang nitong Lunes ng gabi, mahigit 480,000 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 6,443 naman ang mga pumanaw.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method