Wang Yang, binati si Đỗ Văn Chiến sa kanyang panunungkulan bilang Presidente ng VFF

2021-04-13 14:51:07  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Lunes, Abril 12, 2021 ni Wang Yang, Tagapangulo ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), kay Đỗ Văn Chiến bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Presidente ng Vietnam Fatherland Front (VFF).

 

Sa mensahe, ipinahayag ni Wang na nanatili sa napakahabang panahon ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Biyetnames. Aniya, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, mainam ang pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames.

 

Kasama ni Đỗ Văn Chiến, nakahanda aniya si Wang na magsikap para mabuting maisakatuparan ang pagkakasundo ng mga pinakamataas na lider ng dalawang partido at bansa, ibayo pang mapataas ang lebel ng kooperasyon, at makapagbigay ng mas malaking ambag para sa usaping pangkaibigan ng dalawang bansa sa bagong panahon.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method