Hukuman ng Xinjiang, tinanggap ang sakdal ng Hache Xiongying Textile Co., Ltd., laban kay Adrian Zenz

2021-04-15 16:06:26  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagtanggap at paghawak ng Intermediate People's Court of Kashgar Prefecture sa kasong isinampa ng Hache Xiongying Textile Co., Ltd. laban kay Adrian Zenz kaugnay ng pagsira sa reputasyon nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Abril 14, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ang pagsuporta sa nasabing pagsakdal.

 

Tinukoy ni Zhao na ang umano’y “resulta ng pananaliksik” ni Zenz tungkol sa Xinjiang ay bastos at kasinungalingan.

 

Maraming beses na aniyang ibinunyag at pinuna ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga ito.

 

Dagdag pa ni Zhao, ang mga kasinungalingan ni Zenz hinggil sa Xinjiang ay hindi lamang nakakasira sa kapakanan ng mga lehitimong kompanya at masipag na mamamayan ng nasabing lugar, kundi ibayo ring nagbubunyag sa mga mamamayang Tsino at komunidad ng daigdig hinggil sa masamang mukha at tangka ni Adrian Zenz at mga puwersang sumusuporta sa kanya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method