14℃
Beijing

Mahigit 50, nasawi sa sunud-sunod na pagsabog sa Kabul

2021-05-09 14:13:42  CMG
Share with:

Ayon sa panig opisyal ng Afghanistan, mahigit 50 katao na ang napabalitang nasawi at mahigit 100 iba pa ang sugatan sa sunud-sunod na pagsabog na naganap nitong Sabado sa isang paaralan sa Kabul, kabisera ng Afghanistan. Posibleng tataas pa ang bilang ng kasuwalti.

 

Sa pahayag na inilabas nitong Sabado ni Pangulong Mohammad Ashraf Ghani ng Afghanistan, binatikos niya ang Taliban na gumawa ng nasabing pananalakay.

 

Nang araw ring iyon, pinabulaanan naman ng Taliban ang akusasyon ni Pangulong Ashraf Ghani at kinondena ang nasabing mapanalakay na insidente.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method