Ayon sa ulat ngayong araw, Mayo 11, 2021, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong nagdaang Abril, ang Consumer Price Index (CPI), pangunahing indeks para sa inflation, ay mas malaki ng 0.9% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Ipinakikita nitong matatag ang presyo ng mga paninda sa Tsina.
Samantala, ang Producer Price Index (PPI) ng Tsina noong Abril ay lumaki ng 6.8% kaysa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Ayon naman sa mga ekonomista, ito ay resulta ng tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga hilaw na materyal, na dulot ng pagbangon ng pandaigdigang pangangailangan at paglitaw ng malawak na hadlang sa suplay.
Editor: Liu Kai