Ika-110 International Nurses' Day, pagpupugay sa mga tauhang medikal

2021-05-12 16:05:22  CMG
Share with:

Ngayong araw, Mayo 12, 2021, ay Ika-110 International Nurses' Day.

 

Sa pamumuno ni Pangulong Xi Jinping, nagmamalasakit ang pamahalaang Tsino sa mga nars, suportado rin ng buong lipunang Tsino ang mga nars.

 

Nitong ilang taong nakalipas, patuloy na dumadami ang bilang ng mga nars sa Tsina. Hanggang noong katapusan ng taong 2020, umabot sa mahigit 4.7 milyon ang kabuuang bilang ng mga rehistradong nars sa Tsina, na maaaring tumugon sa kahilingan ng pag-unlad ng usaping pangkalusugan ng bansa.

 

Sa Ika-14 Panlimahang Taong Plano, at Long-Range Objectives Through the Year 2035, iniharap ng Tsina na dapat pataasin ang kalidad at lebel ng pagsasanay sa mga tauhang medikal, at dapat umabot sa 3.8 ang bilang ng mga rehistradong nars kada 1 libong tao.

Ika-110 International Nurses' Day, pagpupugay sa mga tauhang medikal_fororder_narsday

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method