14℃
Beijing

Dr. Rommel Banlaoi: Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, sana'y hindi matinag

2021-05-13 10:36:24  CMG
Share with:

 

 

Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, hangad ni Dr. Rommel Banlaoi, Pangulo ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS) na sa taong 2021, sana'y hindi matitinag ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas.

 

Dr. Rommel Banlaoi: Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, sana'y hindi matinag_fororder_imageedit_5_4885593947-PACS

 

Sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19, pinasalamatan ni Dr. Banlaoi ang Tsina sa ibinibigay na tulong sa Pilipinas.

 

Aniya,“Sa mga bansang kinausap ng Pilipinas, ang Tsina lamang ang nagbigay ng immediate at adequate response sa mga pangangailangan ng Pilipinas sa vaccination, at kauna-unahang nagbigay ng kanilang medical assistance.”

 

Isa aniya siya sa mga nabiyaan at kumpleto na ang kaniyang mga turok ng Sinovac.  

 

Saad niya,“Napakahalaga ng vaccination dahil gusto nating ma-achieve ang herd immunity para tuluyang magapi ang problema natin sa pandemya. At maibalik sa normal ang kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino na katulad ng tinatamasa ng mga mamamayan sa Tsina na normal ang pamumuhay dyan at malaya nang nakakalabas ang mga tao.”

 

Umaasa rin si Prof. Banlaoi na magpapatuloy ang mga pangkaunlarang kooperasyon ng dalawang bansa na nakapaloob sa Build Build Build Project.

 

Binanggit niya ang ilan sa mga kooperatibong proyekto na nagtutuloy-tuloy sa gitna ng COVID-19,  na gaya ng irigasyon at dam sa Mt. Province para mapaunlad ang agricultural productivity, at flood control project sa Maynila.

 

Sinabi pa niya, sana ay patuloy ang pagpopondo ng Tsina sa mga proyektong pang-imprastruktura  at pangkalakal.

 

Dapat din ani Banlaoi na kasabay ng pagpapahigpit na pagpapalitan ng dalawang pamamahalan at mga politikal na partido, dapat palakasin ang people to people contacts upang maibsan ang mataas na anti-China sentiment sa Pilipinas.

 

Diin ng PACS President, napakalawak ng ugnayan ng dalawang bansa at hindi maide-define lang ng alitang pandagat. Ito lamang ang isyung nakakabahala sa dalawang bansa, pahayag pa niya. 

 

Mahalaga na magkaroon ng mapayapang solusyon sa isyu ng South China Sea ayon kay Dr. Banlaoi at isulong na magkaroon ng maigting na kooperasyon ang dalawang bansa sa South China Sea.

 

Ang buong panayam ay mapapakingga sa itaas. 

 

Ulat: Machelle Ramos

Content-edit: Jade/Mac

Audio-edit/Web-edit: Jade 

Audio-edit: Jade

Larawan: opisyal na website ng PACS

Espesyal na pasasalamat kay Li Feng

 

Koment( Komento)

Please select the login method