14℃
Beijing

IAEA, posibleng hindi maaaring kumuha ng video ng pagsusuperbisa sa pasilidad na nuklear ng Iran

2021-05-24 16:49:15  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng National Iranian Radio and Television (NTR), ipinahayag Mayo 23, 2021, ni Mohammad-Bagher Ghalibaf, Ispiker ng Iran, na hindi pwede kumuha ng video ang International Atomic Energy Agency (IAEA) sa panahon ng pagpunta nito sa pasilidad na nuklear ng Iran dahil paso na ang 3 buwang pamsamantalang kasunduan sa teknolohiya na narating ng IAEA at Iran.

 

Pero ini-ulat ng NTR, na ayon sa isang di-pinangalanang source,posibleng pahabain ng 1 buwan ang naturang kasunduan.

 

Ayon pa sa ulat, kung matutugunan ang mga kahilingan ng Iran, posibleng maibigay ang mga kailangang materyal sa IAEA.

IAEA, posibleng hindi maaaring kumuha ng video ng pagsusuperbisa sa pasilidad na nuklear ng Iran_fororder_IAEA

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method