Komunidad ng daigdig, dapat magkakasamang pasulungin ang luntiang pag-ahon — Premyer Tsino

2021-05-31 09:09:32  CMG
Share with:

Komunidad ng daigdig, dapat magkakasamang pasulungin ang luntiang pag-ahon — Premyer Tsino_fororder_20210531green550

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at bumigkas ng talumpati Mayo 30, 2021 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa 2021 Partnering for Green Growth and the Global Goals 2030 (P4G) Seoul Summit.

Ipinahayag ni Premyer Li na sa kasalukuyan, sinasalanta pa rin ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang buong daigdig. at dumarami pa rin ang mga elemento ng kawalang katatagan at katiyakan sa kabuhayang pandaigdig.

Dagdag pa riyan, nahaharap din aniya ang luntian at sustenableng pag-unlad ng mundo sa mahigpit na hamon.

Kaya dapat magkapit-bisig at magtulungan ang komunidad ng daigdig para maisakatuparan ang kaunlaran at luntiang transpormasyon at mapasulong ang kalidad ng pag-unlad, saad ni Li.

Kaugnay nito, iniharap ng premier Tsino ang 3 mungkahing kinabibilangan ng una, dapat magkaisa at magtulungan ang iba’t-ibang bansa para magkakasamang mapagtagumpayan ang pandemiya ng COVID-19; ikalawa, dapat baguhin ang ideya at pasulungin ang luntian at low-carbon na pamamaraan; ikatlo, dapat bigyang-pansin ang espesyal na kahirapan na kinakaharap ng mga umuunlad na bansa.

Ipinagdiinan pa ni Li, na  kasama ng iba’t-ibang panig, magsisikap ang Tsina para magkakasamang mapasulong ang luntiang pag-ahon at makalikha ng mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan.

Itinaguyod ng Timog Korea ang nasabing virtual summit na dinaluhan ng mga lider ng mahigit 60 bansa at organisasyong pandaigdig.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method