Unang pangkat ng bakunang Tsino kontra COVID-19 para sa COVAX, opisyal na nagroll-off sa produksyon

2021-06-02 10:46:06  CMG
Share with:

Hunyo 1, 2021, opisyal na nagroll-off sa produksyon ang unang pangkat ng bakunang gawa ng Sinopharm kontra Corona Virus Disease  (COVID-19) na isusuplay ng panig Tsino sa COVAX.

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay isa pang mahalagang pagtupad sa pangako ng panig Tsino na gawing “pampublikong produktong pangkalusugan ng daigdig” ang bakuna sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

Ani Wang, patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang mga kaukulang kompanya sa pagpapalakas ng pakikipagsanggunian at pakikipagkoordinahan sa COVAX upang patuloy na makapag-ambag sa pagtatagumpay ng buong mundo laban sa pandemiya ng COVID-19 sa lalong madaling panahon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method