Wang Yi, dadalo sa espesyal na pulong bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN

2021-06-06 13:50:50  CMG
Share with:

Wang Yi, dadalo sa espesyal na pulong bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN_fororder_20210606WangWenbin550

Ipinatalastas Linggo, Hunyo 6, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Hunyo 7 hanggang 8, idaraos sa Chongqing ang espesyal na pulong ng mga ministrong panlabas bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at ika-6 na pulong ng mga ministrong panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).

Ani Wang, dadalo sa nasabing pulong si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.


Salin: Lito

Please select the login method