Shenzhou-12 spacecraft ng Tsina, inihatid na sa launch pad para sa manned space mission

2021-06-10 17:19:09  CMG
Share with:

Shenzhou-12 spacecraft ng Tsina, inihatid na sa launch pad para sa manned space mission_fororder_eba98c20f3f945a4b5fa9b9309ea4589

 

Ayon sa China Manned Space Engineering Office (CMSEO), inihatid kahapon, Hunyo 9, 2021, sa launch pad sa Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang kanluran ng Tsina ang Shenzhou-12 manned spacecraft kasama ng carrier rocket nito.

 

Tatlong astronaut ang sasakay sa Shenzhou-12 spacecraft sa huling dako ng buwang ito, para lumipad sa Tianhe, core module ng space station ng Tsina.

 

Tatlong buwang mananatili ang naturang mga astronaut sa kalawakan, para sa mga gawaing gaya ng pagmamantena ng core module, pagpapalit ng mga kagamitan, pagsasagawa ng mga siyentipikong eksperimento, at iba pa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method