“Six-Monthly Report on Hong Kong” ng Britanya, pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina

2021-06-11 16:28:18  CMG
Share with:

Sinabi nitong Huwebes, Hunyo 10, 2021 ng tagapagsalita ng Pasuguan ng Tsina sa Britanya, na ang pagpapalabas ng Britanya ng “Six-Monthly Report on Hong Kong” ay walang pakundangang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at malubhang paglabag sa saligang norma ng relasyong pandaigdig.
 

Inihayag ng panig Tsino ang mariing kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol dito, at iniharap na ang solemnang representasyon sa panig Britaniko.
 

Saad ng nasabing tagapagsalita, ang Batas sa Pambansang Seguridad ng Hong Kong ay naglalayong pasakan ang mga butas na pambatas ng Hong Kong sa aspekto ng pambansang seguridad, nakakatuon lamang ito sa iilang kriminal na nakakapinsala sa pambansang seguridad, at nakakabuti sa pangangalaga sa mga karapatan at kalayaan ng mga taga-Hong Kong alinsunod na batas.
 

Tinukoy niyang ang pagkukumpleto sa sistemang elektoral ng Hong Kong, at pagpapatupad ng simulaing “pangangasiwa sa Hong Kong ng mga makabayan” ay hindi lamang nakakatulong sa pagpapasulong sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, kundi umaangkop din sa komong kapakanan ng mga mamamamayan ng iba’t ibang bansa sa Hong Kong at komunidad ng daigdig.
 

Buong tatag ang determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, at pagtutol sa pakikialam ng anumang puwersang dayuhan sa mga suliranin ng Hong Kong, dagdag ng naturang tagapagsalita.

 

Salin: Vera

Please select the login method