Xi Jinping: pamilya, mahalagang pundasyon para sa pag-unlad ng bansa

2021-06-11 17:46:29  CMG
Share with:

Ang darating na Dragon Boat Festival ay panahon ng pagtitipon ng lahat ng miyembro ng pamilya sa Tsina.

 

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat pag-ugnayan ang pagmamahal sa pamilya at bansa.

 

Sinabi minsan ni Xi, na ang pamilya ay pundamental na elemento ng lipunan, at ito rin ay kauna-unahang paaralan ng tao sa kanyang buhay. Dapat aniya pahalagahan ang pamilya, para ito ay maging mahalagang pundasyon ng pag-unlad ng bansa, progreso ng nasyon, at harmonya ng lipunan.

 

Tinukoy din ni Xi, na ang bansa ay binubuo ng mga pamilya. Kaya aniya, ang mga pangarap ng indibiduwal at pamilya ay kabilang sa mga pangarap ng bansa at nasyon.

Xi Jinping: pamilya, mahalagang pundasyon para sa pag-unlad ng bansa_fororder_pangulongxi02

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method