Tsina, naitala ang 6 na domestikong kaso ng COVID-19

2021-06-13 14:25:35  CMG
Share with:

Tsina, naitala ang 6 na domestikong kaso ng COVID-19_fororder_83f7906c127a4c0baf6cfc80d12

 

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, bagong naitala kahapon, Hunyo 12, 2021, ang 34 na kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

 

Kabilang dito, 6 ang mga domestikong kasong naiulat sa Guangzhou, punong lunsod ng lalawigang Guangdong sa katimugan ng Tsina. 28 iba pa ang galing sa labas ng bansa.

 

Samantala, 18 bagong asimptomatikong kaso ang naitala kahapon, at umabot sa 382 ang kabuuang bilang ng ganitong uri ng kaso na umiiral sa kasalukuyan.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method