ICC, walang kapangyarihan sa Pilipinas—Tagapagsalita ng pangulong Pilipino

2021-06-15 16:22:54  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag ng ICC na sisimulan nito ang komprehensibong imbestigasyon sa di-umano’y aksyong kriminal laban sa sangkatauhan sa proseso ng kampanya laban sa droga sa panahon ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ipinahayag Martes, Hunyo 15, 2021 ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang kapangyarihan ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang drug-relatedkilling sa Pilipinas.
 

Aniya, mali sa antas na pambatas, at batay lamang sa motibong pulitikal ang ganitong aksyon.
 

Dagdag ni Roque, ang akusasyon ng ICC ay pagbubulag-bulagan sa lehitimong karapatan ng Pilipinas, at karapatan ng mga pulis na ipagtanggol ang sarili sa proseso ng operasyong kontra droga.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method