14℃
Beijing

Mensaheng pambati para sa Ika-70 Anibersaryo ng CPP, ipinadala ng Tsina sa Kambodya

2021-06-28 16:10:29  CMG
Share with:

Ipinadala Hunyo 28, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Hun Sen, Pangulo ng Cambodian People's Party (CPP) bilang pagbati sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag nito.

 

Sa mensahe, binigyan-diin ni Xi na ang Tsina at Kambodya ay mabuting magkaibigan na may pinagbabahaginang kapalaran, at palagiang napapanatili ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa ang pag-unlad sa mataas na antas.

 

Ani Xi, lubos na pinahahalagahan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang magpakaibigang pakikipagkooperasyon sa CPP.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya, para mapalakas ang relasyon ng CPC at CPP at palalimin ang pagpapalitan at pagtutulugnan ng dalawang partido sa iba’t ibang larangan, para pasulungin ang konstruksyon ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Kambodya kung saan makikinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

Mensaheng pambati para sa Ika-70 Anibersaryo ng CPP, ipinadala ng Tsina sa Kambodya_fororder_pangulongxi01

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method