Kooperasyon ng Hong Kong at Pilipinas sa kabuhayan at siyensiya’t teknolohiya, palalakasin

2021-06-30 16:12:21  CMG
Share with:

Isang webinar ang magkasamang itinaguyod nitong Martes, Hunyo 29, 2021 ng Commerce and Economic Development Bureau (CEDB) ng Hong Kong at Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas, para mapalakas ang kooperasyon ng kapuwa panig sa kabuhayan at siyensiya’t teknolohiya.
 

Inihayag ni Edward Yau, Direktor ng CEDB, na ang Hong Kong ay hindi lamang mananatiling primerang plataporma at pangunahing tsanel ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagpapalawak ng pakikipag-ugnayang pangkabuhayan sa iba’t ibang lugar ng daigdig, kundi magsisilbi ring mahigpit na partner ng sirkulo ng komersyo at mga kompanya ng ASEAN.
 

Magkakapit-bisig na palalawakin aniya ng kapuwa panig ang pamilihan, at sasamantalahin ang mga bagong pagkakataon sa komersyo at pamumuhunan, lalung lalo na, sa mahahalagang pagkakataong dulot ng Belt and Road Initiative at pag-unlad ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.
 

Kalahok sa nasabing webinar ang mahigit 550 personahe mula sa sirkulo ng komersyo at serbisyo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method