Mga overseas at ethnic Chinese, nagpa-abot ng pagbati kaugnay ng sentenaryong pagkakatatag ng CPC

2021-07-05 16:44:42  CMG
Share with:

Mainit na nakakatawag ng pansin at reaksyon mula sa mga overseas at ethnic Chinese ang talumpating binigkas ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa selebrasyon ng sentenarong pagkakatatag ng CPC nitong Huwebes, Hulyo 1, 2021.
 

Sunud-sunod na inihayag ng mga etnikong Tsino mula sa Australia, Netherlands, Thailand at iba pang bansa na naramdaman nila ang napakahirap na pinagdaanan ng nasyong Tsino para likhain ang dakilang tagumpay, sa ilalim ng pamumuno ng CPC.
 

Anila, ipinagmamalaki nila ang pinakadakilang kabanata sa kasaysayan ng Tsina na nilikha ng CPC.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method