CMG Komentaryo: Kaligayahan ng mga mamamayan at kaunlaran ng sangkatauhan, hangarin ng mga partidong pulitikal

2021-07-08 15:41:50  CMG
Share with:

“Bilang mahalagang puwersang nagtutulak ng kaunlaran ng sangkatauhan, dapat tiyakin ng mga partidong pulitikal ang tumpak na direksyon ng pagsulong, at isabalikat ang historikal na responsibilidad na hangarin ang kaligayahan ng mga mamamayan at progreso ng sangkatauhan.”
 

Ang konklusyong ito ay ginawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa sa kanyang talumpati sa CPC and World Political Parties Summit nitong Martes, Hulyo 6, 2021.
 

Sa kasalukuyan, nahaharap ang sangkatauhan sa maraming panganib at hamon na gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at nagiging mas malakas ang panawagan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa na magkaroon ng maligayang pamumuhay. Dapat isabalikat ng mga partidong pulitikal ng iba’t ibang bansa ang mas malaking responsibilidad at pananagutan para sa pagresolba sa mga komong hamon, at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

CMG Komentaryo: Kaligayahan ng mga mamamayan at kaunlaran ng sangkatauhan, hangarin ng mga partidong pulitikal_fororder_20210708CPC1

Sa panahon ng nasabing summit, tinalakay ni Pangulong Xi, kasama ng mga lider ng mahigit 500 partido at organisasyong pulitikal mula sa mahigit 160 bansa at mahigit 10,000 kinatawan ng mga partido at iba’t ibang sirkulo, ang paksang “paghahangad ng kaligayahan ng mga mamamayan at responsibilidad ng mga partidong pulitikal.”
 

“Pabutihin ang sariling mga suliranin ng Tsina, hayaan ang mahigit 1.4 bilyong mamamayang Tsino na magkaroon ng mas magandang pamumuhay, at pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan, ito ay buong tatag na target ng pagpupunyagi ng CPC,” saad ni Xi.
 

Sa landas ng pangalawang pansentenaryong target ng pagtatatag ng dakilang sosyalistang makabagong bansa sa iba’t ibang aspekto, patuloy na papanig ang CPC, kasama ng mga partido at organisasyong pulitikal ng iba’t ibang bansa, sa tumpak na direksyong tungo sa progreso ng sangkatauhan, para likhain ang mas magandang kinabukasan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method