Bloomberg COVID-19 ranking, walang paggalang sa katotohanan, agham o buhay—Tsina

2021-07-13 17:04:03  CMG
Share with:

Bloomberg COVID-19 ranking, walang paggalang sa katotohanan, agham o buhay—Tsina_fororder_20210713Bloomberg

Inilabas kamakailan ng Bloomberg ang pinakahuling COVID Resilience Ranking.
 

Ayon sa nasabing listahan, nangunguna ang Amerika sa paglaban sa pandemiya, at nasa ika-8 puwesto ang Tsina.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Lunes, Hulyo 12, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang nasabing ranking ay di kapani-paniwala dahil hindi naging batayan ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso at death toll, itinuring din bilang negatibong elemento ang pagpapatupad ng mga hakbanging gaya ng lockdown at restriksyon sa pagpasok at paglabas ng bansa.
 

Ito ay hindi umaangkop sa katotohanan, at hindi rin ito gumagalang sa agham at buhay, dagdag ni Zhao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method