Bayani sa malubhang baha sa Zhengzhou

2021-07-27 17:59:38  CMG
Share with:

Kilalanin natin ang ilang bayaning nagligtas ng maraming tao sa gitna ng malubhang bahang dulot ng napakalakas na ulan kamakailan sa Zhengzhou, lunsod sa gitna ng Tsina.

 

Bayani sa malubhang baha sa Zhengzhou_fororder_image001

Bayani sa malubhang baha sa Zhengzhou_fororder_image003

 

Si Yang Junkui ay online ride-hailing driver at retiradong sundalo. Iniligtas niya ang limang tao mula sa mga kotseng inanod ng tubig-baha sa loob ng isang tunel. Nasugatan siya sa kanyang mga binti.

 

Bayani sa malubhang baha sa Zhengzhou_fororder_image004

Bayani sa malubhang baha sa Zhengzhou_fororder_image006

 

Si Yu Yifei ay internong medikal. Siya ay isa sa mga taong maagang nailigtas mula sa isang nabahang subway station. Pero, nang malampasan ang peligro, nagsuot siya ng puting uniporme, at bumalik sa istasyon para tumulong sa pagliligtas ng iba. Mula alas-6 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi, walang tigil siyang gumawa ng artificial respiration at cardiopulmonary resuscitation para sa ibang mga nailigtas. Dahil matagal na nakaluhod, bugbog ang kanyang tuhod.

 

Bayani sa malubhang baha sa Zhengzhou_fororder_image008

 

Si Wang Xichao ay 45-taong gulang na magsasaka. Sa daang pabalik ng bahay, nakita niya ang dalawang bata at isang babaeng nabaon sa makapal na putik at tubig-baha, at tanging mga ulo lang nila ang makikita. Sa kabila ng panganib na mabaon din ang sarili sa butas, matagumpay na nailigtas ni Wang ang naturang tatlong tao.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method