Ika-18 CAEXPO, idaraos

2021-07-30 16:40:42  CMG
Share with:

Ang Ika-18 China-ASEAN Expo (CAEXPO), at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) ay idaraos mula Setyembre 10 hanggang 13, 2021, sa Nanning, lunsod ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.

 

Ang tema ng 2021 CAEXPO ay Pagbabahagi ng Bagong Pagkakataon ng Bagong Tsanel sa Lupa at Dagat, Magkakasamang Pagtatatag ang Komunidad na May Pinagbabahaginang Kinabukasan ng Tsina at ASEAN.

 

Patuloy na isasagawa ang porma ng online + offline na eksibisyon sa CAEXPO sa taong ito.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Ren Hongbin, Asistenteng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na bukod sa lalo pang pagpapalakas ng kooperasyon sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapasulong ng integrasyong pangkabuhayan ng rehiyon, ang walang humpay na pagpapalawak ng kalakalan at kooperasyon sa pamumuhunan ay pokus din ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa hinaharap.

Ika-18 CAEXPO, idaraos_fororder_caexpo

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method