Situwasyon sa Afghanistan, pinalala ng biglang pag-urong ng tropang pandaigdig — Mohammad Ashraf Ghani

2021-08-03 14:20:02  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Lunes, Agosto 2, 2021 ni Pangulong Mohammad Ashraf Ghani ng Afghanistan na ang biglang pag-urong ng mga tropang pandaigdig ay nakapagpalala sa situwasyon ng bansang ito.

Aniya, binalangkas ng pamahalaang Afghani ang isang 6-buwan na planong panseguridad para baguhin ang kalagayan sa Afghanistan.

Diin pa niya, minsa’y nagbabala siya sa Amerika na ang biglang pag-urong ng tropang militar ay magbubunsod ng “masamang resulta.”


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method