14℃
Beijing

Wang Yi, dadalo sa serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng Kooperasyon ng Silangang Asya

2021-08-03 12:00:18  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Lunes, Agosto 2, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina (10+1), pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), pulong ng mga ministrong panlabas ng East Asia Summit, at pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN Regional Forum, na gaganapin mula ika-3 hanggang ika-6 ng Agosto, sa pamamagitan ng video links.
 

Ang pagdalo si Wang sa nasabing serye ng mga pulong ay sa paanyaya ni Haji Erywan, Second Minister of Foreign Affairs ng Brunei.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method