Xi Jinping: bilang ng mga bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina sa daigdig, aabot sa 2 bilyong dosis sa 2021

2021-08-05 22:40:22  CMG
Share with:

Sa kanyang nakasulat na talumpati sa unang pulong ng pandaigdigang porum sa kooperasyon sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinabi ngayong araw, Agosto 5, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagtataguyod ng porum na ito ay isa pang hakbangin ng kanyang bansa bilang pagsuporta sa pagkakaisa ng buong daigdig sa paglaban sa pandemiya.

 

Umaasa aniya siyang ang porum ay makakatulong sa pantay-pantay na pamamahagi ng mga bakuna sa buong mundo, pagkakaisa at pagtutulungan ng mga umuunlad na bansa, at pagtagumpay ng sangkatauhan sa pandemiya sa lalong madaling panahon.

 

Ipinatalastas ni Xi, na sa buong taong ito, aabot sa 2 bilyong dosis ang bilang ng mga kaloob na bakuna ng Tsina sa daigdig. Ibibigay din aniya ng Tsina ang 100 milyong dolyares sa COVAX, para sa pamamahagi ng mga bakuna sa mga umuunlad na bansa.

 

Binigyang-diin din ni Xi, na batay sa ideya ng pandaigdigang komunidad ng kalusugan para sa lahat, patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang mga bakuna kontra COVID-19 sa daigdig, lalung-lalo na sa mga umuunlad na bansa. Buong sikap din aniyang tutulungan ng Tsina ang mga umuunlad na bansa sa pagharap sa pandemiya.

 

Aktibong isasagawa ng Tsina, kasama ng mga bansa, ang magkakasanib na paggawa ng mga bakuna kontra COVID-19, dagdag ni Xi.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method