Bakuna na ipinagkaloob ng Tsina sa Bangladesh, dumating na

2021-08-11 15:52:15  CMG
Share with:

Dumating Agosto 10, 2021, ng Dhaka, kabisera ng Bangladesh, ang mahigit 1.7 milyong dosis ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinopharm ng Tsina.

 

Tinanggap ang naturang mga bakuna sa paliparan ng opisyal ng Departamento ng Kalusugan ng Bangladesh.

 

Pinasalamatan ng dalubhasang medikal ng Bangladesh ang Tsina para sa ipinagkaloob na mga bakuna sa kanyang bansa sa pamamagitan ng COVAX.

 

Aniya, makakatulong nang malaki ang mga bakuna sa gawain ng pagbabakuna na isinasagawa ng Bangladesh sa buong bansa.

Bakuna na ipinagkaloob ng Tsina sa Bangladesh, dumating na_fororder_yimiao

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method