53, bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 24, domestikong kaso

2021-08-15 13:10:27  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas Agosto 15, 2021, ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 53 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland sa loob ng 24 oras.

Sa mga ito, 29 ay galing sa labas ng bansa at 24 ay domestiko (18 mula sa  Jiangsu, 5 mula sa Henan, at 1 mula sa Hunan).

Samantala, walang naiulat na bagong pinaghihinalaang kaso.

Hanggang magha-hati gabi ng Agosto 14, 2021, 1,922 ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method