
Si Li Huanying, 100 taong gulang na, ay babaeng ekspertong Tsino sa pagpapagamot at pagpigil sa sakit na ketong, na kilalang-kilala sa buong daigdig.

Isinilang noong 1921 sa Beijing, kinuha ni Li ang bachelor's degree sa Shanghai Tongji University School of Medicine, at master's degree in bacteriology and public health sa Johns Hopkins University ng Amerika.
Noong 1950, inirekomenda si Li sa bagong tatag na World Health Organization (WHO), at bilang unang pangkat ng mga opisyal ng organisasyong ito, ipinadala siya sa iba’t ibang lugar ng daigdig para sa pagpapagamot at pagpigil sa sexually transmitted diseases (STD).
Pagkaraan ng pitong-taong termino sa WHO, hindi tinanggap ni Li ang imbitasyon sa pagpapatuloy ng trabaho roon, at bumalik siya sa Tsina noong 1958.
Noong 1970, nagtrabaho si Li sa isang nayon sa silangan ng Tsina kung saan marami ang mga may-sakit ng ketong. Ito ang kanyang kauna-unahang pagharap sa sakit na ito.
Ang ketong ay nakahahawang sakit. Noong panahong iyon, iisa lamang sa buong daigdig ang gamot laban sa sakit na ito na tinatawag na dapsone. Pero, may ilang problema ang gamot na ito. Una, kailangang araw-araw na kainin ng may-sakit ang gamot sa loob ng 7 taon o mas mahaba, at ikalawa, madaling nagkakaroon ang virus ng resistance sa gamot na ito.
Dahil dito, madalas na itinakwil ng mga may-sakit ng ketong ang paglunas, at ibinukod lamang sila sa isang lugar, para hindi kumalat ang sakit.
Ang miserableng kapalaran ng mga may-sakit ay nag-iwan ng malalim na kalungkutan kay Li. Noong panahong iyon, ipinasiya niyang isagawa ang pag-aaral para sa paglunas sa ketong.

Noong 1978, itinalaga si Li sa Beijing Institute of Tropical Medicine, at sinimulan niya ang nabanggit na pag-aaral sa edad na 57.
Sa loob ng mahigit 10 taon pagkaraan nito, pumunta si Li sa mga nayong pinaninirahan ng mga may-sakit ng ketong sa ilang lalawigang Yunnan, Guizhou, at Sichuan ng Tsina, para subukin ang mas mabuting paraan ng paglunas ng ketong.
Sa kabila ng panganib na mahawahan ng ketong, lagi siyang nakatira kasama ng mga may-sakit. Ani Li, layon nitong buong higpit na subaybayan ang kalagayan ng paglunas, bigyan ng kompiyansa ang mga pasyente para sa pananaig ng sakit, at pawiin ang pagtatangi ng publiko sa mga may-sakit ng ketong.
Sa pamamagitan ng napakalaking pagsisikap, binuo ni Li at kanyang mga kasamahan ang isang set ng paglunas sa ketong, na sabay-sabay na gamitin ang dapsone at ilang ibang gamot, at ang pinakamahabang tagal ng paglunas ay dalawang taon.

Sa ilalim ng kooperasyon kasama ng WHO, isinagawa ni Li ang naturang paglunas sa buong Tsina. Ilang taon lamang pagkaraan nito, ang bilang ng mga may-sakit ng ketong sa bansa ay bumaba mula 110,000 hanggang sa wala pang 10,000. Ang recurrence rate ng sakit ay 0.03%, na mas mababa kaysa 1% na itinakda ng WHO. Pinalaganap din noong 1994 ng WHO sa buong daigdig ang naturang set ng paglunas.
Editor: Liu Kai