14℃
Beijing

Vladimir Putin: Hindi dapat isapulitika ang pagsisiyasat sa pinagmulan ng coronavirus

2021-09-04 14:35:17  CMG
Share with:

Vladimir Putin: Hindi dapat isapulitika ang pagsisiyasat sa pinagmulan ng coronavirus_fororder_20210904Putin

Inihayag nitong Biyernes, Setyembre 3, 2021 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na hindi dapat isapulitika ang isyu ng pagsisiyasat sa pinagmulan ng coronavirus, sa halip, dapat magkasamang magpunyagi para labanan ang pandemiya.
 

Winika ito ni Putin sa Eastern Economic Forum na ginanap nang araw ring iyon sa Vladivostok, Rusya.
 

Aniya ang manipulasyong pulitikal ng ilang bansa kaugnay ng pandemiya ay napakalaking kamalian.
 

Ang lahat ng mga pananaliksik ay dapat nakabatay sa obdyektibong katotohanan, diin niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method