Vollyball player: Kuwento ni Zhu Ting

2021-09-06 15:47:00  CMG
Share with:

Mga kaibigan, ang kuwento na ibabahagi namin ngayong araw  ay nangyari sa isang maliit na nayon na tinatawag na “Zhu Da Lou Cun”, sa lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina.

Dito nakatira ang pamiliya Zhu. Malaki ang pamilyang ito.   May limang anak na babae ang mag-asawang  Zhu Anliang at  Yang Xuelan.

Sa 5 anak na babae, si Zhu Ting, ay pangatlong anak. Siya ay tila kakaiba,  masyadong matangkad  kumpara sa kanyang mga kapatid.

13 taong gulang lang siya, pero 170 cm na ang taas niya  Nang naging 18 taong gulang, nasa 198 cm na ang tangkad niya. Ikinabahala ng ama para ni Zhu Ting ito. Bilang isang batang babae, sobrang tangkad siya, mahirap para sa kanya ang makapag-asawa.

Vollyball player: Kuwento ni Zhu Ting_fororder_01

Pero, iba ang opinyon hinggil dito ni Zhang, guro ni Zhu Ting sa middle school. Ipinalalagay niya, ang pagiging matangkad ay bentahe at pagkakataon para kay Zhu Ting, posible siyang maging atleta.

Sa ilalim ng tulong ni Gino Zhang, nakilala ni Zhu Ting at kaniyang ama, si Xia Luhai. Si Xia Luhai, pangalawang principal ng Zhoukou Physical Education School, ay dating volleyball player.

Pagkaraan ng mga pagsusuri, masayang natuklasan ni Xia Luhai na si Zhu Ting ay may napakalaking potensiyal na magiging isang magaling na volleyball player.

At mula dito, sinimulan ni Zhu Ting ang unang pagsasanay sa volleyball sa kanyang buhay.

Vollyball player: Kuwento ni Zhu Ting_fororder_02

Pagkaraan ng ilang taong  inisyal na pagsasanay, pumasok si Zhu Ting sa Henan Physical Education Institute, at  nag-major ng volleyball.

Sa buhay estudyante ng vollyball, kinaharap ni Zhu Ting at ang pamiliya niya ang maraming kahirapan. Halimbawa, pera. Mahal mag-aral sa paaralan ng palakasan. Para lutasin ang problema, bukod sa pagsasaka, binuksan ng ama ni Zhua ang maliit na tindahan ng pagkukumpuni ng mga sasakyang pang-agrikultura.

At ang mahirap na pagsasanay ay hamon para sa batang Zhu Ting. Sa propesyonal na physical education institution, napakaistrikto ang pagsasanay sa mga estudyante. Nakaranas si Zhu Ting ng libu-libong beses na pagtalon, pagpalo ng bola, pagdapa. Madalas din siyang  nasugatan habang  nag-sasanay.Noong panahong iyon, mga 15 taong gulang lang siya.

Vollyball player: Kuwento ni Zhu Ting_fororder_05

Pero, hindi binitawan ni Zhu Ting ang volleyball. Alam niya na  ang kanyang guro, magulang, mga kapatid, lahat ng mga kaibigan at kamag-anakan ay nagsisikap hangga’t maaari para tugunan ang kanyang pagnanais na maging isang magaling na volleyball player.

Sa pamamagitan ng ilang taong pagsisikap, nakuha ni Zhu Ting ang mataas na score sa institusyon; dahil dito, natamo niya ang pagkakataon na pumasok sa Pambansang Volleyball Team ng Tsina. Sa gayo’y mayroon siyang pagkakatan na sumali sa Olympic games.

Noong 2016, bilang miyembro ng Pambansang Vollyball Team ng Tsina, lumahok si Zhu Ting sa Rio Summer Olympics, at nakuha ng Tsina ang medalyang ginto.

Vollyball player: Kuwento ni Zhu Ting_fororder_03

Noong gabi ng pagkakapanalo ng medalyang ginto, ipinadala ni Zhu Ting ang memsahe sa wechat  kay Xia, unang coach niya sa volleyball, sinabi niyang: “coach, tagumpay kami.  ”

Tuluy-tuloy ang pagsisikap ni Zhu Ting. Sa taong ito, sumli rin si Zhu Ting sa 2020 Tokyo Olympic Games. Sa seremoniya ng pagbubukas ng Tokyo Olympic Games, siya rin  ang flag-bearer  ng pambansang watawat ng Chinese team.

Vollyball player: Kuwento ni Zhu Ting_fororder_04

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Music by:

浪漫钢琴曲许可:CC-BY 作者:nicolasdrweski 来源:耳聆网 https://www.ear0.com/sound/17784

钢琴旋律 许可:CC-BY-NC 作者:ShadyDave 来源:耳聆网 https://www.ear0.com/sound/10714

音乐:COPYRIGHT FREE MUSIC: Atch - Your Love 厂牌:RFM - Royalty Free Music 地址:https://www.youtube.com/watch?v=Ie4oGmBkqXk

Please select the login method