14℃
Beijing

Pagbuo ng Amerika, Britanya at Australia ng sarado’t eksklusibong grupo, walang mararating

2021-09-17 15:19:48  CMG
Share with:

Ipinatalastas kamakailan ng Amerika, Britanya at Australia ang pagtatatag ng bagong military partnership at plano sa pagsuporta sa pagpapaunlad ng panig Australyano ng nuclear powered submarines.
 

Kaugnay nito, sinabi kahapon, Setyembre 16, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagsasagawa ng naturang tatlong bansa ng kooperasyon sa nuclear submarine ay malubhang nakasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, nagpasidhi ng arms race, at nakapinsala sa pandaigdigang pagsisikap para sa non-proliferation nito.
 

Aniya, mahigpit na susubaybayan ng panig Tsino ang pagsulong ng kaukulang situwasyon.
 

Diin niya, palagiang pananaw ng panig Tsino na ang anumang mekanismong panrehiyon ay dapat sumunod sa agos ng panahon na may kapayapaan at kaunlaran. Dapat makakabuti ito sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaan at pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon, at hindi dapat nito target ang anumang ikatlong panig o makapinsala sa kapakanan nito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method