14℃
Beijing

Liham mula sa mga kapamilya ng mga kaibigang dayuhan ng Tsina, sinagot ni Pangulong Xi Jinping

2021-09-18 15:34:54  CMG
Share with:

Isang liham ang ipinadala nitong Martes, Setyembre 14, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang sagot sa naunang liham mula sa mga kapamilya ng mga kaibigang dayuhan ng Tsina na kinabibilangan nina Edgar at Helen Snow, George Hatem, Rewi Alley at Israel Epstein.
 

Pinasalamatan ni Xi ang ibinigay na ambag ng mga kaibigang dayuhan para sa rebolusyon, konstruksyon at reporma ng Tsina, at ang kani-kanilang matapat na pagkakaibigan sa Partido Komunistan ng Tsina (CPC).
 

Aniya, sa ilalim ng pamumuno ng CPC, naisakatuparan ng Tsina ang unang sentenaryong target ng pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan sa lahat ng mga aspekto, at umaabante ang buong bansa tungo sa pangalawang pansentenaryong target ng pagtatatag ng dakilang sosyalistang makabagong bansa sa iba’t-ibang aspekto.
 

Hinimok niya ang mga kapamilya ng mga kaibigang dayuhan na gawin ang panibagong ambag para sa pagpapahigpit ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng mga mamamayang Tsino at mga mamamayan ng buong daigdig, at pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method