14℃
Beijing

Pangulong Tsino, nakidalamhati sa pagpanaw ni dating Algerian President Bouteflika

2021-09-21 10:17:15  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Setyembre 20, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Algerian counterpart na si Abdelmadjid Tebboune bilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Algerian President Abdelaziz Bouteflika.

Sa mensahe, tinukoy ni Pangulong Xi na si Bouteflika ay isang tanyag na politiko ng Algeria, mundo ng Arabe at Aprika. Minsa’y nagbigay aniya si Bouteflika ng mahalagang ambag para manumbalik ang lehitimong luklukan ng Tsina sa United Nations (UN). Nawalan ang mga mamamayang Tsino ng isang matagal na kaibigan dahil sa kanyang pagyao, ani Xi.

Diin pa ng pangulong Tsino, pinahahalagahan ng panig Tsino ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Algerian. Nakahanda aniya itong magsikap kasama ng pamahalaan at mga mamamayang Algerian para mapalawak at mapalalim ang kanilang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan at mapasulong ang walang patid na pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method