14℃
Beijing

CMG, tanging opisyal na mediang Tsino sa Expo 2020 Dubai

2021-09-21 10:20:40  CMG
Share with:

Ayon sa kasunduang nilagdaan sa Dubai nitong Setyembre 20, 2021 ng China Media Group (CMG) at Expo 2020 Dubai, ang CMG ay magsisilbing tanging opisyal na mediang Tsino sa nasabing gaganaping ekspo.

Naunang nakatakdang idaos ang 2020 Dubai Expo mula Oktubre 20, 2020 hanggang Abril 10, 2021, ngunit dahil sa  pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinagpaliban ang pagdaraos nito mula unang araw ng Oktubre, 2021 hanggang Marso 31, 2022. Pero tinatawag pa rin itong “Expo 2020 Dubai.”

Mababatid na ito ang magiging unang ekspong idaraos sa Middle East kung saan 192 bansa ang kumpirmadong lalahok.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method