Ideya at bungang natamo ng Tsina sa usapin ng karapatang pantao, inilahad sa UN

2021-09-23 16:40:04  CMG
Share with:

Inilahad Setyembre 22, 2021, sa Ika-48 Pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng United Nations (UN), ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Geneva, ang ideya at bungang natamo ng Tsina sa usapin ng karapatang-pantao.

 

Aniya, ang taong ito ay sentenaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Nitong nakaraang 100 taon, iginagalang, iginagarantiya at pinapa-unlad ng Tsina ang usapin ng karapatang-pantao.

 

Dahil dito, natamo aniya ng Tsina ang tagumpay sa paghahanap ng landas ng pag-unlad sa usapin ng sosyalistang karapatang-pantao na may katangiang Tsino.

 

Komprehensibong itinayo ng Tsina ang may kagihawahang lipunan, nilutas ang problema ng karalitaan, at natamo ang dakilang bunga sa karapatang-pantao, lahad pa niya.

 

Ipinahayag ni Chen na sa “Pambansang Plano ng Aksyon sa Karapatang-pantao (2021-2025)” na ipinalabas kamakailan, pagsisikapan ng pamahalaang Tsino na igarantiya ang iba’t-ibang uri ng karapatang-pantao ng mga mamamayang Tsino sa mas mataas na lebel.

 

Mataimtim na isasakatuparan ng Tsina ang obligasyong pandaigdig sa karapatang-pantao, at malalim na makikisangkot sa kooperasyong pandaigdig sa karapatang-pantao, para ibahagi ang karunungan at kalutasang may katangiang Tsino sa buong daigdig.

Ideya at bungang natamo ng Tsina sa usapin ng karapatang pantao, inilahad sa UN_fororder_01un

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method