Pangulong Tsino, bumati sa ika-100 anibersaryo ng pagkatuklas ng kulturang Yangshao at pagsisimula ng modernong arkeolohiya ng Tsina

2021-10-17 13:40:32  CMG
Share with:

Kaugnay ng ika-100 anibersaryo ng pagkatuklas ng kulturang Yangshao at pagsisimula ng modernong arkeolohiya ng Tsina, sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinadala Linggo, Oktubre 17, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang pagpapahayag ng mainit na pagbati at taos-pusong pangungumusta sa mga arkeologo ng buong bansa.

Tinukoy ni Xi na nitong 100 taong nakalipas, dahil sa walang patid na pagsisikap ng mga arkeologo sa ilang henerasyon, natamo ang mahahalagang bunga, bagay na nagpapakita ng pinagmulan, pag-unlad, maluningning na bunga, at ibinibigay na mahalagang ambag ng sibilisasyong Tsino sa sibilisasyong pandaigdig.

Napapatingkad ng mga ito ang mahalagang papel para sa pagkaunawa ng daigdig sa sibilisasyong Tsino, ani Xi.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method