Mga government bond ng Tsina, inilakip sa FTSE Russell

2021-10-30 17:01:53  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ng FTSE Russell, global index provider, opisyal na inilakip kahapon, Oktubre 29, 2021, ang mga government bond ng Tsina sa FTSE World Government Bond Index (WGBI).

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng People's Bank of China, bangko sentral ng Tsina, ang pagtanggap sa naturang desisyon ng FTSE Russell.

 

Dagdag nito, sa hinaharap, patuloy na magsisikap ang panig Tsino para pabutihin ang mga kinauukulang regulasyon at patakaran, at ibayo pang pasulungin ang pagbubukas ng merkado ng bond ng Tsina sa mga pandaigdigang mamumuhunan.

 

Nauna rito, inilakip na ang mga government bond ng Tsina sa dalawa pang pangunahing bond index ng daigdig, na Bloomberg Barclays Global Aggregate Index at J.P. Morgan Government Bond Index-Emerging Markets.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method