Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina Linggo, Oktubre 31, 2021, 92 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Kabilang dito, 33 ang galing sa labas ng bansa, at 59 naman ang domestiko.
Samantala, isa ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso.
Batay pa sa datos, 869 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland, samantalang 4,636 naman ang mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Rhio