CMG Komentaryo: Susi sa may inobasyon ng Tsina, ibinubunyag ng National Science and Technology Award

2021-11-04 16:06:14  CMG
Share with:

Ginanap nitong Miyerkules, Nobyembre 3, 2021 ang taunang National Science and Technology Award Conference ng Tsina.

CMG Komentaryo: Susi sa may inobasyon ng Tsina, ibinubunyag ng National Science and Technology Award_fororder_20211104award1

Dito ay iginawad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang State Preeminent Science and Technology Award, pinamakataas na karangalan ng siyensiya sa bansa, sa aircraft designer at aerodynamicist na si Gu Songfen, at nuclear engineering at nuclear safety expert na si Wang Dazhong.
 

Samantala, ginawaran naman ng State Science and Technology Progress Awards ang grupong nagsagawa ng pananaliksik sa pagpigil at pagkontrol sa respiratory disease, na pinamumunuan nina Zhong Nanshan, He Jianxing, at Ran Pixin.
 

Ipinakikita nito ang lubos na pagpapahalaga ng pamahalaang Tsino sa mga talentong pansiyensiya’t panteknolohiya.

CMG Komentaryo: Susi sa may inobasyon ng Tsina, ibinubunyag ng National Science and Technology Award_fororder_20211104award2

Ang inobasyon ay pinakamalaking lakas-panulak na nakakapagpasulong sa pag-unlad ng Tsina.
 

Nitong nakalipas na limang taon, kapansin-pansin ang natamong breakthrough ng bansa sa mga aspektong gaya ng manned space activities, proyekto ng pagsasarbey sa buwan, deep-sea exploration, quantum communication, Five-hundred-meter Aperture Spherical Radio Telescope (FAST), BeiDou Navigation Satellite System (BDS), supercomputer, 5G communication at iba pa.
 

Ayon sa Global Innovation Index 2020, mabilis na tumaas sa ika-24 na puwesto ang Tsina, mula ika-29 noong 2015.
 

Sa pamamagitan ng paggagawad ng kataas-taasang gantimpala sa siyensiya’t teknolohiya, nakikitang ang susi ng pagtatamo ng kapansin-pansing bunga ng Tsina sa inobasyon ay hindi lamang nakakasalalay sa pagpapahalaga at paghubog ng mga talentong pansiyensiya’t panteknolohiya, kundi sa bukas na pakikitungo ng bansa sa inobasyon at pagpapalitan sa siyensiya’t teknolohiya.
 

Palagiang nananangan ang Tsina sa ideyang “ang progreso ng siyensiya’t teknolohiya ay para sa biyaya ng buong sangkatauhan, at pagdaragdag ng kaalamang pampubliko at kolektibong katalinuhan ng lipunan ng sangkatauhan.”
 

Ito ay isa pang praktika ng ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at mahalagang ambag sa mundo na ginawa ng “inobasyong may-katangiang Tsina.”
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method