Sapilitang pagpapataw ng mga modelo ng demokrasya at karapatang pantao, tinututulan ng maraming bansa

2021-11-20 17:12:26  CMG
Share with:

Sapilitang pagpapataw ng mga modelo ng demokrasya at karapatang pantao, tinututulan ng maraming bansa_fororder_1111111

 

Idinaos nitong Huwebes, Nobyembre 18, 2021, ang webinar na may pamagat na "demokrasya at karapatang pantao: komong target sa pamamagitan ng magkakaibang landas."

 

Sa pagtataguyod ng mga permanenteng misyon ng Tsina at Rusya sa mga tanggapan ng United Nations sa Geneva, lumahok dito ang mga diplomata at iskolar mula sa mahigit 60 bansa.

 

Ipinahayag ng mga kalahok ang pagtutol sa sapilitang pagpapataw ng mga modelo ng demokrasya at karapatang pantao sa lahat ng mga bansa.

 

Anila, kahit sa mga bansang kanluranin, hindi ipinapatupad ang demokrasya at karapatang pantao sa pamamagitan ng parehong paraan at porma. Kaya, kailangang payagan ang pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang bansa.

 

Ipinalalagay din ng mga kalahok, na ang pagpapataw ng isang bansa ng sariling modelo ng demokrasya at karapatang pantao sa ibang soberanong bansa, sa kabila ng magkakaibang kasaysayan, kultura, at mga kaugalian ng bansang ito, ay naging pangunahing elementong nagdudulot ng kawalang-katatagan.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method