Wang Yi, lalahok sa Ika-18 Pagtatagpo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Rusya at India

2021-11-26 16:35:11  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, lalahok ngayong araw, Nobyembre 26, 2021, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Ika-18 Pagtatagpo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Rusya, at India.

 

Ipinahayag ito kahapon ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Wang Yi, lalahok sa Ika-18 Pagtatagpo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Rusya at India_fororder_01zhaolijian

Ani Zhao, sa pagtatagpo, malalim na tatalakayin ng mga Ministrong Panlabas ng tatlong bansa ang paglaban sa pandemya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), multilateralismo, mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig at iba pa.

 

Inaasahan ng Tsina na sa pamamagitan ng pagtatagpong ito, mapapalakas ang koordinasyon ng Tsina, Rusya at India, mapapabuti ang pagtitiwalaan sa isa’t isa, mapag-iisa ang mga komong palagay, at maipapadala ang positibong impormasyon sa buong daigdig na kinabibilangan ng pagsasagawa ng tunay na multilateralismo, pagpapasulong ng demokrasya sa relasyong pandaigdig, magkakasamang paglaban sa COVID-19, pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayan, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng buong mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method