Paggiit ng Asya’t Europa sa multilateralismo’t kooperasyon, ipinanawagan ni Premyer Li

2021-11-26 11:17:57  CMG
Share with:

Nanawagan si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga bansa ng Asya’t Europa na igiit ang multilateralismo, palakasin ang pandaigdig na kooperasyong pangkalusugan, at pasulungin ang pagpapalitan sa edukasyon, kultura at palakasan, para magbukas ng bagong prospek para sa kooperasyong Asyano-Europeo.

 

Ito ang inilahad ni Li sa kanyang paglahok sa Ika-13 Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa pamamagitan ng video link, Huwebes, Nobyembre 25, 2021.

 

Paggiit ng Asya’t Europa sa multilateralismo’t kooperasyon, ipinanawagan ni Premyer Li_fororder_da51d98d43f7431c8ed671810707ae07

 

Ani Li, nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang ASEM, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal at pagpapalitan at pagtutulungan ng iba’t ibang miyembro ng ASEM.

 

Sa gitna ng pandemiya ng COVID-19, may mahalagang katuturang praktikal ang tema ng ASEM Summit sa taong ito na "Pagpapalakas ng Multilateralismo para sa Pinagbabahaginang Paglaki (Strengthening Multilateralism for Shared Growth)," palagay ni Li.

 

Diin ng premyer Tsino, ang pananangan sa multilateralismo ay tumpak na pagpili para mapanatili ang kapayapaan at katatagan ng daigdig. Para rito, kailangang katigan ng iba’t ibang miyembro ng ASEM ang pandaigdig na sistema kung saan ang United Nations (UN) ay gumaganap ng sentral na papel.

 

Upang maisakatuparan ang pagpapanumbalik sa normal pagkatapos ng pandemiya, ipinagdiinan ng premyer Tsino ang berdeng tranpormasyon at landas ng low-carbon sa proseso ng pagpapasulong ng kaunlaran.

 

Ipinahayag din ni Li ang pangako ng Tsina na patuloy na suportahan ang Asia-Europe Foundation at kahandaan na itangkilik ang Asia-Europe youth leaders' camp.

 

Napagkasunduan din ng mga kalahok na lider at kinatawan ng ASEM na ibayo pang palalimin ang Asia-Europe partnership, magkakasamang humarap sa mga hamong panrehiyon at pandaigdig, at magkaisa sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig at pagpapasulong ng komong kaunlaran.

 

Nagkasundo din silang palalawakin ang kooperasyon sa inobasyon, digital economy, at konektibidad para mapasulong ang pagpapanumbalik sa normal ng daigdig.

 

Ang summit na pinanguluhan ni Samdech Techo Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia, ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 51 kasaping bansa ng ASEM, kasama ang Presidente ng European Council, Presidente ng European Commission, at Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN. 

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method