Mga mataas na opisyal na Tsino, lalahok sa Ika-8 Pulong na Ministeryal ng Porum sa Kooperasyon ng Tsina at Aprika

2021-11-27 17:43:24  CMG
Share with:

Ipinatalastas kahapon, Nobyembre 26, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula ika-29 hanggang ika-30 ng buwang ito, lalahok sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng bansa, sa Ika-8 Pulong na Ministeryal ng Porum sa Kooperasyon ng Tsina at Aprika, na idaraos sa Dakar, Senegal.

 

Samantala, magsasagawa si Wang Yi ng pagdalaw sa Senegal, dagdag ni Zhao.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method