“Paulit-ulit na pinatutunayan ng madalas na digmaan at kaguluhan sa daigdig, na ang pagpapalaganap ng umano’y demokrasya sa labas, at sapilitang pagpapataw ng sariling sistema at paninindigan sa ibang bansa ay malubhang nakakasira sa kapayapaan, katiwasayan, at katatagan ng rehiyon at buong mundo.”
Magkasanib na inilathala kamakailan ng mga embahador ng Tsina at Rusya sa Amerika ang artikulo sa magasing National Interest ng Amerika, bilang mariing pagtutol sa pagtangkilik ng Amerika ng umano’y Summit para sa Demokrasya.
Nitong nakalipas na ilang taon, upang pigilan ang pag-unlad ng Tsina, muling pinapalaganap ng ilang pulitikong Amerikano ang umano’y demokrasya. Iniharap nila ang “estratehiyang Indo-Pasipiko,” binuo ang mekanismo ng “Quad” ng Amerika, Hapon, India at Australia, inudyukan ang ilang bansa na magsagawa ng di-umano’y “malayang paglalayag” sa South China Sea at Taiwan Strait, itinatag ang trilateral na security partnership na “AUKUS” ng Amerika, Britanya at Australia, at iba pa.
Sa katwiran ng “demokrasya,” binubuo ng Amerika ang mga alyansa sa rehiyong Asya-Pasipiko, inuudyukan ang komprontasyon, at nagsisilbi itong pinakamalaking tagasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ang demokrasya ay komong kahalagahan na hinahangad ng iba’t ibang bansa, sa halip ng kasangkapang pulitikal para sa tikis na munipulasyon ng Amerika.
Sa harap ng nakararaming kasalanan ng pananalakay sa ibang bansa at kapinsalaan sa seguridad ng rehiyon na dulot ng pagsusulsol ng separatismo, walang kredibilidad ang Washington na magsalita tungkol sa demokrasya!
Salin: Vera
Pulido: Mac