Pagbisita ni Antony Blinken sa Timogsilangang Asya, naudlot dahil sa COVID-19

2021-12-16 18:14:18  CMG
Share with:

Ini-ulat kahapon, Disyembre 15, 2021 ng Embahadang Amerikano sa Thailand na dahil sa pagkakatuklas ng isang kinumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa delegasyon ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, pina-ikli ang kanyang biyahe sa Timogsilangang Asya, at kinansela ang pagbisita sa Thailand.
 

Matatandaang nakipag-usap Disyembre 15, si Blinken sa Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng  Malaysiya at nakatakda sana siyang pumunta sa Thailand.
 

Sinimulan ni Blinken ang kanyang pagbisita sa Timogsilangang Asya na kinabibilangan ng Indonesiya, Malaysiya at Thailand noong Disyembre 13, at ito ang kauna-unahan niyang pagbisita sa rehiyon.

Salin: Sissi

Pulido: Rhio

Please select the login method