206, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 158, domestiko

2021-12-26 14:32:01  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Disyembre 25, 2021, 206 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

Sa mga ito, 48 ang galing sa labas ng bansa, at 158 ang domestiko.

Batay pa sa datos, 2,011 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso.

Samantala, 4,636 ang mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method