Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Enero 3, 2022, 175 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland. Sa mga ito, 67 ang galing sa labas at 108 ay domestikong kaso.
Bukod dito, 3 ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso ng COVID-19, at ang mga ito ay galing sa labas ng bansa.
Ayon pa sa datos, 3,256 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Mac