104, bagong domestikong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland

2022-01-15 16:05:15  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina nitong Enero 14, 2022, 165 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

 

Sa mga ito, 61 ang galing sa labas ng bansa, at 104 ang domestiko.

 

Ang mga domestikong kaso ay kinabibilangan ng 52 sa lalawigang Henan sa gitnang bahagi ng bansa, 39 sa munisipalidad ng Tianjin sa kahilagaan, 8 sa lalawigang Guangdong sa katimugan, 4 sa lalawigang Shaanxi sa kanlurang bahagi, at 1 sa lalawigang Zhejiang sa silangan ng Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method