Wang Yi: Patakarang pangkaibigan ng Tsina sa Pilipinas, tuluy-tuloy at matatag

2022-04-04 15:39:55  CMG
Share with:

Wang Yi: Patakarang pangkaibigan ng Tsina sa Pilipinas, tuluy-tuloy at matatag_fororder_W020220403860077157013

 

Sa pagtatagpo kahapon, Abril 3, 2022, sa Tunxi, lunsod sa lalawigang Anhui ng Tsina, nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Teodoro Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, sinabi ni Wang, na ang patakarang pangkaibigan tungo sa Tsina na ipinatutupad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakakabuti sa pagbangon ng relasyong Sino-Pilipino, angkop sa saligang kapakanan ng Pilipinas at mga mamamayan nito, at nakakatulong din sa rehiyonal na kapayapaan, katatagan, at kaunlaran.

 

Umaasa at nananalig aniya siyang, ipagpapatuloy ng panig Pilipino ang naturang patakaran, para ibayo pang pasulungin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas, at panatilihin ang mainam na tunguhin ng kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Dagdag ni Wang, tuluy-tuloy at matatag ang patakaran ng pangkapitbansaang pagkakaibigan ng Tsina sa Pilipinas. Kailangan aniyang alisin ng dalawang panig ang mga hadlang, at mahinahon at maayos na kontrulin ang mga pagkakaiba, para hindi makaapekto ang mga ito sa pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Pilipino.

 

Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina, na patuloy na tulungan ang Build Build Build, at ipagkaloob pa sa Pilipinas ang mga bakuna kontra COVID-19 batay sa pangangailangan ng panig Pilipino.

 

Sinabi naman ni Locsin, na ang pragmatikong kooperasyon ng Pilipinas at Tsina ay nagkakaroon ng makasaysayang bunga at nagdudulot ng pangmatagalang kapakanan sa kapwa panig.

 

Aniya pa, bilang responsableng malaking bansa, iginigiit ng Tsina ang kasarinlan at mapayapang pag-unlad, itinataguyod, sa pamamagitan ng sariling pag-unlad, ang pag-unlad ng iba't ibang bansa ng rehiyong ito, at ginagampanan ang mahalagang papel para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Binigyan din ni Locsin ng mataas na pagtasa ang pamumuno ng Tsina sa mga bansa sa rehiyong ito sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19.

 

Kaugnay naman ng isyu ng South China Sea, ipinalalagay nina Wang at Locsin, na kailangang ilagay ang isyung ito sa angkop na posisyon ng relasyong Sino-Pilipino, pabilisin ang talastasan sa Code of Conduct in the South China Sea, at panatilihin ang katatagan sa karagatang ito.

 

Sinang-ayunan din nilang pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations, para magkasamang magbigay ng ambag sa kaunlaran at kasaganaan sa rehiyong ito.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method